Pintuan
Paparoon sa natutulog na pintuan
Ang susi ay nakatago sa kalamnan
Naghihintay akong mahubaran
Walang sawang lumalaban
Sa saliw ng katahimikan
Handa na akong subukan
Ang lumanggoy sa walang hanggan,
Ang gumiling sa pagduyan,
Ang sumungkit sa kalawakan,
Walang kasiguraduhan
Kung saan ang pupuntahan
Ngunit ano pa ang kailangan buksan
Kung hindi ang nakasaradong pintuan.
poem by Norman Santos
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!
No comments until now.