Kamay Na Guryon
Ang iyong kamay na tila guryon
humahampas sa alon ng hangin,
sumasayaw nang walang pag-ayon
Sa pakiwari ko ay mahahawakan
mo ang araw ng hindi nasusunog
Ngunit isang ilusyon ang hinahati
ng hugis ng kamay mong maputla,
sa pagitan ng gintong hininga ng araw
at itim na anino ng pagindayog nito
At ang manipis na hibla ng guryon
ang tanging nagdudugtong sa ilusyon
at sa katotohanan na pinunlaan
ng apuhap na hangin ng pag-asa
at mahinay na paghatak ng ala-ala
poem by Norman Santos
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!