Latest quotes | Random quotes | Vote! | Latest comments | Submit quote

Kapag Dumilat Ang Mata Ng Bagyo

Kung ang ulan na ito ay
ang pagluha ng kalangitan -
ang hinagpis nya ay
umaapaw at nalulunod na
sa uhaw para sa kaibigan

Isang linggong walang araw,
walang bituin o buwan,
walang kulay ang kapaligiran
Ang oras ay lumisan
at tinalikuran ang kalungkutan

Ngayo'y bumabaha
at ang lamig ay di humuhupa
pumapatak ang pilak
ngunit wala tayong kalasag
dahil wala na ring pangunawa

Masdan mo ang putik
na dumako sa mga sulok
na hindi pa nasasakop -
bulag na tayo sa mga mantsa
ng kalamidad sa likod ng mga mata

Sa bawat paghimlay
mahimbing sa ilalim ng ulan
itinatanggi ang pag-iisa
wala tayong pinagkaiba
sa mga bara ng estero

Dahil sa likod ng postura
na malumanay ang tindig
ang bagyo ay bumubuhos
humahagupit, kumakatok:
Isang kalapating walang pugad

At sa pagpikit ng mga mata,
sa pagsamyo ng gunita;
bumabaha na sa kailaliman
di magtatagal, ito'y aapaw
bibigay din ang kalaban

At sa pag-guho ng barikada
kakawala na ang naipong tubig
hubad sa hagupit ang maliit mong daigdig
Ang agos ay di mo na mapipigilan
dilat na ang mata ng bagyo, kaibigan

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

Related quotes

Couldn't select: Can't find FULLTEXT index matching the column list