Latest quotes | Random quotes | Vote! | Latest comments | Submit quote

Dala

DALA

Ang dala ay lambat, malapad at bilog
May mahabang lubid na pinaka-buntot
Ang dulo sa kamay ay nakapulupot
Para laging hawak kahit na lumubog
Hawak pa rin kahit malayo'ng inabot
Sa laylayan ay mga tinggang pabigat
Para pag inihagis ay lulubog agad
At para ng isda ay di maiangat
Ang iba kung minsan ay meron pang kuuko
Lupi sa laylayan para isda'y recohido

Bago ito maihagis ay hinahati muna
Sa tatlong parte ang laylayang may tingga
1/3 sa isang kamay,1/3 sa kabila
1/3 ay sa sikong kaliwa o kanan
Siyempre'y hindi hawak, nakasanpay lamang
Saka ihahagis, todo't ubos-lakas
Ng dahil sa buelo, buka ay malapad

Paggamit ng dala ay papaano ba
Merong naglalakad, merong namamangka
May nag-aabang ng pagpusag ng carpa
Sa water lily na inihanda nila
Water liling "bumbon", merong mga tulos
Sa dulo'y may lata ng gatas, nakasaklob
Pagpusag ng karpa, mga ito'y kumakalog
Sa dilim ng gabi, ng mandadala'y matatalos
Na meron nang carpang nagsasabog ng itlog

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share

Related quotes

Couldn't select: Can't find FULLTEXT index matching the column list