Semplang
--
--
Year 1956, buwan ng Septiembre
Ako'y nag-aaral noon sa PCC
Palibhasa'y Promdi at baguhan pa lang
Sa paghirit sa chick, ako ay sumemplang
Mahapdi't masaklap na karanasan ko
Ay aking ikukuwento sa inyo
Isaang magandang chick, gusto kong ligawan
Aking inimbita sa isang restoran
Ang treat ko sa kanya ay coke lang at sandwich
Kung bakit umorder pa ng banana split
Na-over spent ako't nawala sa budget
Pornada ang aking allowance for a week
Matapos mabusog siya na'y nagpaalam
Ang kakaba-kabang ako ay naiwan
Kakala-kalatok pa ko sa lamesa
Waiter hinihintay, kung may sukli pa ba
Waiter ay lumapit, ako ay tinanong
'Meron pa ba kayong hinihintay, Senyor? '
'Oo, meron pa ba akong sukli 'bigan? '
'Naku wala na po, bayad niyo'y sakto lang! '
Buong klase ako'y hindi mapakali
Pag-uwi ko'y ano ba ang mangyayari
Anong ibabayad sa bus ng Halili
Na ang terminal ay doon sa Aranque
Sa bus na bibiyahe ako na'y sumakay
At doon pumuwesto sa huli't likuran
Walang nakarinig sa aking sinabian
Selo, (ang kunduktor) pasahe ko'y utang
Bukas pagsakay ko, saka babayaran
Para makapasok no'ng kinabukasan
At hindi magalit ang mga magulang
Ako'y umextra sa isang trabahador
Sa hollowblock making d'on sa aming silong
Ang bayad na bigay everyday sa hapon
Ang naging allowance na aking binaon
Insidenteng ito ko'y kinapulutan
Masakit na kutos, merong leksiyong moral
[...] Read more
poem by Pacific Hernandez
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!