Ang Itlog ng Manok
Sa siwang ng sahig, si Totoy nakasilip
Sipong tumutulo, kulapol sa sahig
Umupo, dumapa, tumuwad, tumindig
Merong hinihintay, parang naiinip
Sa kanilang silong, may bigkis ng damo
Pakain ng Tatay niya sa kabayo
Sa gitna ng damo ay mayroong itlog
na butas ang dulo at guwang ang loob
Dating laman noon, wala kahapon pa
Sinipsip ni Totoy ang puti at pula
Pero bakit naro'n, ano ba ang silbi?
Iyon ay decoy lang o isang pangati
Upang ang manok ay umitlog, mawili
Hindi natagalan, may manok na dumating
Titinga-tingala, isang talisain
Ang puso ni Totoy ay biglang pumitlag
Hindi mapakali na tutuwad-tuwad
Sa bigkis ng damo, manok ay umakyat
Kuntentong umupo, kumakakak-kakak
Walang anuano, 'Putak, putak, putak! '
Si Totoy naman ay nanaog kaagad
Kung ano ang bilis ng kanyang pagbaba
Gano'n din pag-akyat na rumaragasa
Eto na, ang kapitbahay ay dumating
Ang napagtanungan ay si Totoy na rin
'Totoy, narinig kong manok ko'y pumutak,
Kanya kayang itlog, saan inilagak? '
'Ay naku po Tiya, hindi ko po alam,
sapagka't ako po ay kagigising lang.'
Neighbor ay umalis, parang nayayamot
Manok niya'y pumutak, pero walang itlog
Ang itlog na paksa't pinag-uusapan
Nandoon sa kalan na at nakasalang
Na para kay Totoy, meryendang malinaw
Ay naku, si Totoy, bata pang maliit
Kapag sa tsibugan talagang matinik
Ang itlog ng manok niyang kapitbahay
Kanyang nilalaga at pinapatulan
poem by Pacific Hernandez
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!