Latest quotes | Random quotes | Vote! | Latest comments | Submit quote

Mga Luha ng Kandila

Ako ay papunta sa mundong ibabaw
Nang ang liwanag mo'y una kong mamasdan
Liwanag na siyang matiyagang gumabay
Sa isang pares ng mabubuting kamay
Na sa akin ay sumahod mula sa karimlan
Na aking daigdig hanggang siyam na buwan
Ako'y inilapag nang buong lumanay
Sa siping ni Ina ako'y inilagay

Noon ko nakita luha mong napatak
Na kung para ano'y di ko madalumat
Iyon ba ay luha ng kaligayahan
Ang magiging akin, buhay na tiwasay
O 'yun ba'y mga luha ng kalungkutan
Ang daranasin ko'y pawang kabiguan

Muli kong nakita ang iyong liwanag
Sa araw na takda noong aking binyag
Muli, nakita ko iyong mga luha
'Yon ba'y pahiwatig o kaya'y babala
Ng dahop na buhay o kaya'y sagana

Ang iyong liwanag muli kong nakita
Nang ako't ang mahal ko'y kinakasal na
Init ng 'yong tanglaw noon ko nadama
Sing init ng isang tunay na pagsinta
Pagal kong katawan binigyang ginhawa

Ang huli mong sindi di ko na nakita
At ang iyong init di ko na nadama
Tanging naririnig ko'y mga panaghoy
Panangis ng mga nagluluksa noon
Pagkat ako noon na ay nakahimlay
At na'y paparoon sa kabilang buhay

poem by Report problemRelated quotes
Added by Poetry Lover
Comment! | Vote! | Copy!

Share
 
 
This text contains a mistake
This text is duplicate
The author of this text is another person
Another problem

More info, if necessary

Your name

Your e-mail

Search


Recent searches | Top searches